Usap-usapan sa X (dating twitter) ang social personality na si Gavin Capinpin o mas kilala bilang “Ser Geybin” matapos umano niyang bastusin ang BINI member na si Mikha Lim.

Sa isang bahagi kasi ng TikTok live ni Sir Geybin kamakailan, matutunghayan ang biglang paghalik niya sa imahe ni Mikha na naka-flash sa white screen.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang video clip. Narito ang ilan sa kanilang mga komento: 

"kakadiri talaga mga lalaki noh? makakita lang ng maganda di na alam pano umasta. may masters degree pa man din to. mind you, 20 pa lang si mikha. 20. sir geybin, 20"

Netizens nanggigil sa bortang katawan ni Sam Concepcion; tinawag na ‘daddy’

"DAPAT KASUHAN SI SIR GEYBIN NG BAWAL BASTOS LAW dahil sa pambabastos kay MIKHA LIM"

"He's Sir Geybin an influencer/vlogger na nang bastos kay mikha while nag lalive yata sya at tuwang tuwa pa sya while ginagawa nya yun hah wtf"

"Real, fan ako ni sir geybin pero Hindi sa part na ganyan na sobrang off na talaga I know bias nya si mikha pero Hindi DAPAT ganyan pota nakaka disappoint parang nakaka bastos talaga"

"si sir geybin ba un?? ung lalakeng nambabastos kay mikha 💀 akala nya naman papatulan sya. sobra na sya tbh akala ko ako lang nakakapansin, tapos may gf pa sya 🤢🤢🤢"

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na anomang pahayag, tugon, o reaksiyon si Ser Geybin kaugnay sa naturang isyu.