Usap-usapan ang X posts ng lalaking searchee sa "EXpecially For You" na si Axel Cruz, ang sinita ni Vice Ganda at iba pang hosts ng "It's Showtime" matapos bumeso nang biglaan sa babaeng searcher na si "Christine."

Sa kaniyang mga naunang X posts matapos ang insidente, nakiusap si Axel na huwag na siyang batikusin ng mga netizen matapos siyang masermunan ni Vice Ganda nang live.

"#MayFunSaShowtimeThankyou showtime for wonderful experience, super nag enjoy ako and gusto ko lang ma clear or clarify sa nangyare nun. Im not intended to kiss her, Ganun kasi kami samin pagkaapir then hold the hand sabay dikit sa balikat pero hindi ko po sya gustong halikan or or ibeso i know my limit po. If may mga nagalit man or nagsasabi ng mga bad words against me its okay pananaw nyo po yan sorry kung may mali man ako but thankyou for watching everyone," aniya.

"Sana po wag kayo mag post ng kung ano ano against me, im not intended to kiss her, its just like a bro code after shake hands dikit balikat, umiwas lang si girl akala kasi hahalikan ko pero watch nyo ng slow thanks #MayFunSaShowtime," dagdag pa.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Sa isang TikTok video ay nagsalita na rin ang babaeng searcher na si Christine at sinabing wala siyang naramdamang "bastos" sa ginawa ni Axel.

Kaya naman, sa isang X post ay naglabas ng pahayag si Vice Ganda na hihingi siya ng tawad kay Axel.

"Sorry na mali ang reaction ko. Ang dating kasi sakin at sa ibang andun eh na-off si girl na sinunggaban sya ng halik and i thought na she felt violated. Since hindi naman pala I will apologize to the guy," anang TV host.

Ngunit nitong Hunyo 4, binawi ni Vice Ganda ang nauna niyang sinabi sa X na hihingi siya ng dispensa sa mga nangyari. Ayon sa kaniya, bagama't nauna nang naglabas ng pahayag sa TikTok si Christine na hindi umano siya nabastos sa ginawa ni Axel, umamin daw ito na talagang nailang siya sa ginawa ni Axel, batay sa kaniyang mga nasabi mga nakausap na Showtime staff.

Dahil dito, nanindigan si Vice Ganda na tama lang ang naging pagsita nila sa ginawa ni Axel.

Sa X posts naman ni Axel, nanawagan siya sa mga netizen na huwag nang i-bash si Christine, dahil lumalabas daw na "nagsinungaling" ito.

Photo courtesy: Axel Cruz (X)

"please stop bashing christine pinagtatangol nya lang po ako at sinasabe nya yung totoong nangyare, yung reaction nya po kasi nayon sa cam is awkward, kasi nakaupo po sya non at nakatayo ako. Mejo nahila ko sya kaya ganun naging reaction nya," aniya.

MAKI-BALITA: Searchee na sinita ni Vice Ganda, nakiusap na huwag i-bash ang searcher

Sa isa pang X post, "I don't care how people judge me !!Because God knows me better ❤️"

MAKI-BALITA: Vice Ganda, binawi ang apology sa searchee na nanunggab ng halik

Samantala, kumakalat naman ang isang TikTok video kung saan makikitang umiiyak si Christine dahil pinagmukha raw siyang sinungaling ng "It's Showtime."