Nilinaw ng lalaking searchee sa segment na "EXpecially For You" ng noontime show na "It's Showtime" na wala siyang balak halikan at wala siyang masamang intensyon sa searcher na si 'Christine," matapos siyang sitahin ni Vice Ganda at iba pang co-hosts.

Sa kaniyang X posts, nakiusap si Axel Cruz na huwag na siyang batikusin ng mga netizen matapos siyang masermunan ni Vice Ganda nang live.

"#MayFunSaShowtimeThankyou showtime for wonderful experience, super nag enjoy ako and gusto ko lang ma clear or clarify sa nangyare nun. Im not intended to kiss her, Ganun kasi kami samin pagkaapir then hold the hand sabay dikit sa balikat pero hindi ko po sya gustong halikan or or ibeso i know my limit po. If may mga nagalit man or nagsasabi ng mga bad words against me its okay pananaw nyo po yan sorry kung may mali man ako but thankyou for watching everyone," aniya.

"Sana po wag kayo mag post ng kung ano ano against me, im not intended to kiss her, its just like a bro code after shake hands dikit balikat, umiwas lang si girl akala kasi hahalikan ko pero watch nyo ng slow thanks #MayFunSaShowtime," dagdag pa.

Tsika at Intriga

''Di ba obvious?' SB19 Stell, Pablo sinagot isyu ng pagpaparetoke

Photo courtesy: Screenshots from Axel Cruz (X)

Sa isang TikTok video ay nagsalita na rin ang babaeng searcher na si Christine at sinabing wala siyang naramdamang "bastos" sa ginawa ni Axel.

Kaya naman, sa isang X post ay naglabas ng pahayag si Vice Ganda na hihingi siya ng tawad kay Axel.

"Sorry na mali ang reaction ko. Ang dating kasi sakin at sa ibang andun eh na-off si girl na sinunggaban sya ng halik and i thought na she felt violated. Since hindi naman pala I will apologize to the guy," anang TV host.

MAKI-BALITA: Vice Ganda magso-sorry sa sinitang searchee matapos manunggab ng halik