Iniintriga ngayon ng maraming netizen ang aktres na si KC Concepcion at ang Filipino-Swiss boyfriend nitong si Mike Wuethrich.

Kung titingnan kasi kung sino-sino ang mahigit isang libong personalidad na pina-follow ni KC sa kaniyang Instagram account, makikita na wala sa listahan ang account ng jowa niya. 

Gayundin sa Instagram account ni Mike, wala na rin sa listahan ng mga pinapa-follow niya si KC.

Dahil dito, lumakas tuloy ang alingasngas na baka may hindi magandang nangyayari sa relasyon nina KC at Mike.

Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon

Ayon pa sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Biyernes, Mayo 31, hindi na raw makikita pa sa IG feed ni Mike ang larawan nila ni KC noong September 2023. Pero hindi pa naman daw burado ang IG reels ni KC kung saan kasama nito si Mike.

Chineck naman ng Balita ang parehong Instagram account ng celebrity couple para kumpirmahin ang naturang ulat. 

Screenshot from Mike Wuethrich (IG)

Screenshot from KC Concepcion (IG)

Anyway, sana ay may tampuhan lang sina KC at Mike. At kung mayroon man, maayos din sana agad nila.  

Matatandaang may banta pa ang ina ni KC na si Sharon Cuneta kay Mike sa ginanap na makaysayang concert nila ng dati niyang asawang si Gabby Concepcion noong Oktubre 2023.

MAKI-BALITA: Sharon may ‘banta’ sa afam na jowa ni KC

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag, reaksiyon, o tugon sina KC at Mike tungkol sa naturang intriga.