Nagbigay ng reaksiyon ang Kapamilya actor na si JM De Guzman sa ginawang pakulo ng nililigawan niyang si Donnalyn Bartolome para sa kaniya.

Sa latest vlog ni JM De Guzman kamakailan, muli niyang pinanood ang vlog kung saan siya hinarana ni Donnalyn ng kantang “Sometimes” ni Britney Spears. 

"Kung alam n’yo lang kung ano ang napi-feel ko. Hanggang ngayon kapag pinapanood ko siya kinikilig pa rin ako, guys. Hindi ba? Hindi pa kami, pero ang suwerte ko na. What more kung mahal niya na ako," saad ni JM.

"So 'yun na 'yong aking reaksiyon. Kita n’yo naman mixed emotions ako. Napatawa, napakilig, napaiyak, napalungkot. Napalungkot kasi naalala ko na hindi ko naalala ang mga bagay—ang labo!" dugtong pa ng aktor.

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

Sa isang bahagi ng vlog, inamin ni JM na wala raw siyang ideya na haharanahin siya ni Donna dahil ang sabi sa kaniya, ime-meet niya raw ang mga magulang nito.

“Well, hindi sila nakakatakot as a person. Syempre with respect din sa kanila. I know that they protect her so much. Wala lang. Nakakakaba rin,” sabi pa ni JM.

Matatandaang pagkatapos haranahin ni Donna si JM ay inanunsiyo niya sa kaniyang vlog na exclusively dating na silang dalawa.

MAKI-BALITA: Donnalyn Bartolome, hinarana si JM De Guzman; sinagot na nga ba?