Inanunsyo ng action-drama series na "Black Rider" ang pagpasok ng kontrobersiyal na social media personality na si "Tito Mars."

Makikita ito sa mismong official Facebook page ng GMA Public Affairs, ang production team na nasa likod ng seryeng pinagbibidahan ni Ruru Madrid.

Inaasahang ngayong gabi ng Huwebes, Mayo 30, papasok ang karakter ni Tito Mars at take note, may kinalaman ito sa "sardinas."

"Ang sardinas na pagkain ng masa, magiging ugat ng gulo?! Bakit kaya?!"

Teleserye

'Nakakagigil talaga!' McCoy De Leon, nagawa pang mag-picture bago magnakaw

"Alamin sa #BlackRiderSardinas ngayong Huwebes, 8 PM sa GMA Prime, GMA Public Affairs' FB/YT livestream at 9:40 PM sa GTV," mababasa sa caption.

Sa comment section, wish ng netizens na sana raw ay "mabugbog" si Tito Mars sa mga eksena para mailabas nila ang gigil sa kaniya.

"Sana yong totoong binugbog talaga siya, ang saya2x seguro nuon tingnan."

"Dapat ang exena niya jan sa BR, kunwari nagba-vlog siya na nadidiri siya sa sardines tas may napikon sa kaniya kaya binugbog siya. Hahaha."

"Red flag gma pa di po nakakatuwa guest nyo"

"Nakikisabay din ang gma para tumaas ratings ! Wow."

"Now a days. Ang lahat ng pinapasikat at tinutulungan ay ung mga hindi karapat dapat. tss.pinoy nga naman."

"Mabubugbog na si tito mars"

"Dahil dyan patay TV kami mamayang 8pm. Hindi lahat ay pumapabor na binigyan nyo ng spotlight ang madaming ngipin na yan."

Matatandaang kamakailan lamang ay inulan ng batikos si Tito Mars dahil sa kaniyang "sardines eating challenge."

Matapos makuyog ay agad na nagpaliwanag si Tito Mars na hindi niya binabastos ang pagkain ng mahihirap.

MAKI-BALITA: Tito Mars: ‘Di ko binabastos pagkain ng mahihirap!’

MAKI-BALITA: Tito Mars sa contents niya: ‘Kung ayaw n’yo, huwag n’yong panoorin!’

Ilan naman sa mga celebrity ang nagbigay ng reaksiyon dito, kabilang na ang Kapuso comedy star-TV host na si Pokwang.

MAKI-BALITA: ‘Very evil!’ Pokwang ibinida pagkain ng sardinas, patutsada kay Tito Mars?

Si Ivana Alawi naman ay nagkamay na kumain ng sardinas at nagpaalalang magpasalamat ang lahat sa alinmang pagkaing kinakain dahil ito ay blessing.

MAKI-BALITA: Ivana lumantak ng sardinas, may paalala tungkol sa blessings