"As expected" ay hindi dumalo sa premiere night ng pelikulang "1521" si Kapuso star Bea Alonzo na isinagawa nitong Mayo 29, ayon sa ulat ng ABS-CBN News.

Nagpadala raw ng imbitasyon para sa kaniya ang baguhang film producer na si Francis Ho, subalit naiintindihan daw niya kung hindi ito sisipot, lalo't nagkaroon ng gap sa pagitan nila at sa kampo ni Bea, nang ipaliwanag ng talent manager ni Bea na si Shirley Kuan ang mga umano'y naging concern nila sa pakikipagtrabaho sa production team.

Bago ang premiere night ay naglabas ng apology letter si Francis para sa kampo ni Bea kaugnay ng gusot na nangyari sa kanila.

"Of course I understand, and I don’t blame her. As a first time producer, I made some calls that wasn’t able to somehow help her that would have been helpful. And I take full responsibility for that. I could improve the next time around. Even if she doesn’t show up, it’s not her fault," Ani Ho.

Pelikula

Pelikulang ‘Maid in Malacañang’ gagawing serye?

Ipalalabas sa mga sinehan ang pelikula ni Bea sa Hunyo 5.

MAKI-BALITA: Special screening sa pelikulang ‘1521’ ni Bea Alonzo, nilangaw?

MAKI-BALITA: ‘Hindi bagay?’ Bea Alonzo, pinuna sa pagganap bilang ‘native princess’ sa 1521