Naispatan daw na magkasama sina “Asia’s Multimedia Star” Alden Richards at “Outstanding Asian Star” Kathryn Bernardo bago ang gabi ng parangal sa Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Awards.

Sa latest episode kasi ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Lunes, Mayo 27, inispluk ni showbiz columnist Cristy Fermin ang tungkol sa kilig na pinapalaganap umano nina Alden at Kathryn sa publiko.

“Alam na alam na po natin ang naganap noong Sabado. Naka-face mask sila, naka-cap pa sila pero buking na buking pa rin na sila ay nag-date,” saad ni Cristy.

“E, Sabado nag-date. Linggo ng gabi kagabi nagkita na naman sila sa FAMAS Awards ay talagang hindi na sila pinaghihiwalay ng panahon,” wika niya.

Tsika at Intriga

Raquel niyabang katotohanan; 'All By Myself' ni Charice, di pa nahihigitan

Ayon pa sa co-host ng showbiz columnist na si Romel Chika, tila malapit na raw ma-confirm nina Alden at Kathryn ang real score ng dalawa base sa mga ganap nito sa buhay.

Matatandaang sa isang panayam kay Alden noong Abril ay sinabi niya ang mga katagang “what you see is what you get” nang tanungin siya kung ano na ba ang namamagitan sa kanila ni Kathryn.

MAKI-BALITA: Alden sa relasyon nila ni Kathryn: ‘What you see is what you get’