Muling nag-post sa kaniyang Instagram account ang aktres na si Yen Santos, matapos ang pang-iintriga sa kaniya ng netizens kung bakit binura niya ang birthday post niya para sa boyfriend na si Paolo Contis.

Noong Mayo 19 ang unang IG post ni Yen na mapapansing naka-open na ang comment section kaya puwede na itong komentuhan ng mga netizen.

"happy sun day 🌞🍒🌊☁️🫧💙," caption niya rito, kalakip ang close-up shot ng kaniyang mukha.

Tsika at Intriga

Heart 'naiyak' dahil sa bagong glam team, anyare?

View this post on Instagram

A post shared by YS (@ysantos)

Nitong Mayo 26 naman, muli siyang nag-post ng larawan niyang close-up, kasabay ng malamig na panahon dahil sa bagyo.

"hot choco weather ☕️🍫🐻🤎," caption niya.

View this post on Instagram

A post shared by YS (@ysantos)

Kagaya ng naunang post, mapapansing puwede na ngang mag-comment ang kahit na sino sa kaniyang post, kaya naman dinumog ito ng netizens at fans na nasasabik na siyang mapanood na umaarte sa pelikula at telebisyon.

May mga "paladesisyong" netizen naman ang nagsabing buti na lang daw at hiwalay na sila ni Paolo, kahit wala pa namang kumpirmasyon mula sa kanilang dalawa.

Anyway, narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Wow open comments already! ❤️keep the heat on! 🔥"

"Yun. One of my favorite actress. Balik ka na Miss Yen. Galing mo artista. Nasira lang ni Paolo Contis career mo♥️"

"Sana balik teleserye na, ang galing mo sa Halik"

"Eto hinihintay ko na hiwalayan mo yong taong yon na hndi nmn worth it, nawalan ka ng projects, finally, yes you did it. Makakabalik kapa sa industry, magaling ka and maganda.🙌❤️"

"Kita mo galing sa agaw na relationship hindi rin mag wowork kasi wala kang peace of mind. Sa susunod siguraduhin mong walang pamilya ang papatan mo."

"Pwede na mag comment 🤭😍"

Samantala, wala pang pahayag si Yen sa lahat ng mga intrigang pinagdaanan niya sa nakalipas na tatlong taon. Kamakailan lamang, "no comment" ang naging tugon ni Paolo nang mauntag ng press kung kumusta na ba sila ni Yen.

MAKI-BALITA: Paolo nakorner at inurirat tungkol kay Yen, may nakakaintrigang tugon