Tila tanggap na talaga ng aktres na si Janice De Belen ang tadhana niya na tatanda siyang mag-isa at walang makakasama.

Sa latest episode ng vlog ni Bernadette noong Sabado, Mayo 25, sinabi ni Janice na wala na raw talaga siyang balak pang mag-asawa ulit.

“Ayaw ko na talaga [mag-asawa]. Okay na naman na ako. I’m really alone and I’m okay with that. I have friends. I have school friends. I have showbiz friends. I also know ‘di mo naman sila kasama araw-araw,” pahayag ni Janice.

“They also have lives. So, you will still be alone when you go home. So, you can’t be happy with another person if you can’t be happy alone,” aniya.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Dagdag pa ng aktres: “I don’t want to keep needing people. Kasi okay ako, e. Kaya minsan ‘pag sinasabi nilang ‘okay ka ba talaga?’ ‘Oo, okay naman ako.’ And they’ll seem to doubt that.”

Gusto raw kasi ni Janice na gigising siya sa umaga na ang iisipin lang daw niya ay ang sarili niya at kung ano ang mga dapat niyang gawin bagama’t aminado naman siya na sa una ay mahirap kasanayan ang pag-iisa.

Samantala, sa isang bahagi ng panayam ay ibinahagi naman niya ang pagkukulang niya bilang ina sa mga anak niya.

MAKI-BALITA: Mga anak ni Janice, ‘di naturuan ng life skills