Hands-on daw ang TV host na si Willie Revillame para sa paghahanda sa bago niyang programa na ipapalabas sa TV 5.

Sa isang episode ng “Cristy Ferminute” kamakailan, iniulat ni showbiz columnist Cristy Fermin na lagi raw nasa set si Willie.

“Si Willie Revillame, napaka-hands-on. Ganyan siya palagi. Basta ginagawa na ang set ng kaniyang programa. Nando’n siya palagi,” saad ni Cristy. 

“Nagpapabili pa siya ng litson. Tapos sabay-sabay silang kumakain ng mga karpintero, sa totoo lang. Hands-on talaga siya,” wika niya.

Events

Drag Race PH Season 3, mapapanood na sa Agosto

Dagdag pa niya: “Dapat gano’n talaga. Pati dressing room niya. Hands-on talaga siya. Dahil malapit na ilang tulog at gising na lang.”

Matatandaang kamakailan lang ay pormal nang ipinakilala ang unang tatlong “Win Girls” na magiging co-hosts ni Willie sa kaniyang pagbabalik-telebisyon.

MAKI-BALITA: Co-hosts ni Willie, inilantad na; dating Showtime host, nasulot?