Tila nawindang ang mga netizen sa mga kumakalat na video clip nina “Black Rider” star Yassi Pressman at Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte mula sa ginanap na Kaogma Festival nitong Huwebes, Mayo 23.

Sa isang bahagi kasi ng Facebook live ng Kaogma Festival, matutunghayan ang inihandang performance nina Yassi at Villafuerte para sa mga residente ng CamSur.

Una muna ay nagpakitang-gilas si Yassi ng talento niya sa pagsayaw sa saliw ng iba’t ibang patok na musika tulad ng “Lagabog” ni Skusta Clee, “Water” ni Tyla, at “Salamin” ng BINI.

Kasunod nito ay sinamahan na siya ni Villafuerte sa entablado para kantahin ang “Hero” ni Enrique Iglesias.

Relasyon at Hiwalayan

'Kapal ng pagmumukha!' Appreciation post ni Aljur kay AJ, pinutakti ng netizens

Napuno ng tilian at sigawan ang buong venue nang maglapit ang mga mukha nila. Lalo pa itong lumakas nang halikan na ni Villafuerte si Yassi–take note ha medyo matagal ang halik.

Matatandaang hindi ito ang unang beses na inilantad ng dalawa ang kanilang sweetness sa isa’t isa dahil noong Pebrero ay flinex ni Yassi ang lambingan nila ni Villafuerte sa pamamagitan ng Instagram story.

MAKI-BALITA: Yassi Pressman flinex lambingan nila ni Gov. Luigi Villafuerte