Nagbigay na ng pahayag ang Kapuso star na si Bianca Umali kaugnay sa tambalan ng jowa niyang si Ruru Madrid at Angeli Khang sa “Black Rider.”

Sa ulat ng GMA News kamakailan, sinabi umano ni Bianca na hindi raw siya nagseselos sa bagong ka-loveteam ni Ruru sa naturang teleserye.

“Mayro’n na kaming sistema in the relationship na we will really put an effort into being transparent and honest with each other kasi kami ni Ruru parehas kami magtrabaho," saad ni Bianca.

Dagdag pa niya: "Parehas kami kung gaano ka-committed and 'yong passion namin sa trabaho namin, we work on the same level."

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

Matatandaan kasing inintriga ng mga netizen si Angeli matapos nitong ipakilala ang bagong karakter na gagampanan sa serye. 

MAKI-BALITA: Bianca Umali, dapat kabahan sa pagpasok ni Angeli Khang sa ‘Black Rider?’

Binalaan pa nga nila si Bianca na dapat na raw kabahan at sinabihang magpakatatag dahil sa isang panayam ay sinabi ni Ruru na kissing scene daw agad ang unang bonding nila ni Angeli.

MAKI-BALITA: ‘Bianca, pakatatag daw!’ Unang bonding nina Ruru at Angeli, kiss agad

Gayunpaman, inamin ni Ruru na bagama’t hindi raw niya agad nasabi kay Bianca ang tungkol sa tukaan nila ni Angeli ay hindi naman daw nila pinipiglan ang sarili na gawin ang mga intimate scene na simula’t sapul ay bahagi naman talaga ng kanilang trabaho.

MAKI-BALITA: ‘First scene kiss agad! Tukaan nila ni Angeli, ‘di agad nasabi ni Ruru kay Bianca