Iniintriga ngayon ng mga marites sa social media ang pag-follow ni Clint Bondad sa Instagram account ng Kapuso actor na si Tom Rodriguez.

Hindi naman kasi ito mahahalata sana at magiging big deal, subalit kapansin-pansin kasing si Tom lang ang bukod tanging pina-follow niya.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Photo courtesy: Screenshot from Clint Bondad (IG)

Si Tom naman ay naka-follow rin kay Clint, isa sa 1,066 netizens na sinusundan niya ang ganap sa nabanggit na social media platform.

Photo courtesy: Tom Rodriguez (IG)

Si Clint ay ex-boyfriend ni Miss Universe 2018 Catriona Gray, na na-link din kay Miss Universe owner Anne Jakrajutatip. Ngunit pinagdiinan ni Anne na "friendship over" na sa pagitan nila ni Clint.

MAKI-BALITA: Anne namaalam na kay ‘Bro’ Clint Bondad; tinawag na ‘delusional’

Si Tom naman ay estranged husband ni Kapuso Goddess Carla Abellana. Sa panayam ni Boy Abunda sa kaniyang programa, inamin ni Tom na may bagong nagpapatibok na sa kaniyang puso subalit pinipili niyang isapribado ito.

MAKI-BALITA: Gustong isapribado: Tom, aminadong may ipinalit na kay Carla

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, at pahayag ang dalawa tungkol sa isyu.