Hindi nakaligtas sa mga netizen ang pang-aunfollow umano ni Kapuso actress Kyline Alcantara sa buong pamilya Legaspi.

Kung titingnan kasi kung sino-sino ang mahigit isang libong personalidad na pina-follow ni Kyline sa kaniyang Instagram account, makikita na wala man lang sa listahan maski isa kina Mavy Legaspi, Cassy Legaspi, Carmina Villaroel, o Zoren Legaspi.

Dahil dito, lalo tuloy lumakas ang alingasngas na may lamat ang relasyon niya sa pamilya ng ex-jowa niyang si Mavy.

Matatandaang nagsimula ito matapos lumutang ang kuwento na hiwalay na umano sina Mavy at Kyline noong Nobyembre 2023.

Tsika at Intriga

Payo ni Valentine kay Chloe: 'Beh matuto ka gumalang sa mas nakakatanda sayo!'

MAKI-BALITA: Mavy Legaspi at Kyline Alcantara, hinuhulugan hiwalay na rin

Nasundan pa ang intrigang ito dahil sa ipinost na mensahe ni Carmina na tila reaksiyon umano sa breakup rumor ng anak niya at ni Kyline.

MAKI-BALITA: Carmina may mensahe sa kambal; reaksiyon sa Mavy-Kyline breakup rumors?

Samantala, sa isang episode ng “Showbiz Now Na” noong Disyembre 2023 ay isiniwalat ni showbiz columnist Cristy Fermin ang nasagap niya umanong impormasyon tungkol sa ugat ng hiwalayang Mavy at Kyline.

MAKI-BALITA: Ugat ng hiwalayan nina Mavy, Kyline isiniwalat ni Cristy