Usap-usapan ngayon ng mga marites sa social media ang umano'y pagkakatulad sa background ng kuhang larawan ng Kapuso actress na si Kyline Alcantara at basketball player na si Kobe Paras.

Sa social media page na "The Scoop," hindi raw nakaligtas sa "eagle-eyed netizens" ang ilang similarities sa Instagram stories ng dalawa.

"'HALA, ARE YOU WITH KOBE?'"

"'Yan ang tanong ngayon ng mga Marites kay Kyline Alcantara dahil sa latest photos na in-upload niya sa IG na tila may similarity daw sa post ng basketball player na si Kobe Paras," mababasa sa caption ng kanilang post.

Tsika at Intriga

Payo ni Valentine kay Chloe: 'Beh matuto ka gumalang sa mas nakakatanda sayo!'

Photo courtesy: Screenshot from The Scoop (FB)

Photo courtesy: Screenshot from The Scoop (FB)

Photo courtesy: Kobe Paras (IG)

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Good for her..at least hindi na siya baby sitter ng isang toddler..."

"Ay big jump Kyline, literal na big hahaha."

"oks lang yan, single nman ..lets just be happy pra skanila kng meron man"

"ayos ang taste ni Kyline 😍 Miguel, Mavi, ampopogi din."

"Panalo, suwerte sa isa't isa."

Maging sa Instagram post ni Kyline ay nagtatanong na rin ang mga netizen.

"hala are you with kobe?" tanong ng isa.

Sagot naman ng isa, "I think so, pareho sila nagstory ng nasa Helm eh 😌."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang dalawa upang kumpirmahin ang nabanggit na tsika. Bukas ang Balita sa kanilang panig.