Inamin ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards na matagal na raw niyang pangarap na masundan ang pelikula nila ni Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo na “Hello, Love, Goodbye.”

Sa latest episode ng “New Movie Alert” (NMA) nitong Sabado, Mayo 19, sinabi niya kung ilang taon niyang hinintay na matupad ang pangarap na ito.

“Hinintay ko rin siya [sequel ng ‘Hello, Love, Goodbye’]. Kumbaga, after seeing the film over and over again. ‘Yong pangarap na ‘yon nasa puso ko lang in the past five years,” saad ni Alden.

“Finally nga, ito nga. Dreams do come true talaga,” dugtong pa niya.

Pelikula

Anyare? Jessy Mendiola, lilitaw dapat sa 'Mallari'

Pinatotohanan naman ito ng direktor ng pelikula na si Cathy Garcia-Sampana. Ayon pa sa kaniya, kinukulit pa nga raw siya ni Alden kung kailan masusundan ang “Hello, Love, Goodbye.”

“Parang ‘yong mga nagte-text sa akin. ‘Kailan po? Kailan po?’ Ako naman: ‘wait lang po, wait lang po. Hintayin natin ang management ang magsabi.’ Pero totoo ‘yong sinabi niya [Alden],” pahayag ni direk Cathy.

Matatandaang sa mismong episode na ito ng NMA ay ipinasilip ang muling pagkikita ng mga karakter nina Alden at Kathryn sa “Hello, Love, Goodbye” na sina Ethan at Joy.

MAKI-BALITA: Titulo ng bagong pelikula nina Kathryn, Alden pinangalanan na!