Naglabas na ng kaniyang pahayag ang kontrobersiyal na content creator na si "Tito Mars" matapos kuyugin ng batikos sa kaniyang eating challenge, lalo na sa "pandidiri" sa pagkain ng sardinas at bagoong.

Marami kasi ang na-off sa ipinakita niyang tila pagkasuka sa pagkain nito, bagay na pinalagan naman ng mga netizen dahil tila nababastos daw ang isa sa mga pagkaing on-the-go ng mga nagtitipid o pinagkakasya lamang ang kanilang budget o pera sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Sa isang video na naka-post sa kaniyang social media platforms, sinabi ni Tito Mars na hindi raw niya binabastos ang pagkain ng mahihirap, dahil itinuturing din niya ang sarili bilang mahirap.

Kung babastusin daw niya ang pagkain ng mahihirap, siya raw ang unang-unang matatamaan.

Tsika at Intriga

Jennylyn Mercado, 'di susulutin ng ABS-CBN

Nang sagutin naman niya ang tanong ng isang netizen kung talaga bang hindi siya kumakain ng sardinas, hindi na ito direktang sinagot ng content creator. Choice na raw ng mga netizen kung ano ang paniniwalaan nila.

Paalala niya sa mga netizen, huwag daw panoorin ang videos niya kung hindi nila bet ang content na ipinakikita niya.