Nakakaloka ang nabuong espekulasyon sa isip ng mga basher tungkol sa aktres na si Julia Barretto matapos nitong maospital.

Sa isang episode kasi ng “Cristy Ferminute” noong Biyernes, Mayo 17, iniulat ni showbiz columnist Cristy Fermin ang nakarating umano sa kaniyang intriga.

“Kawawa naman si Julia Barretto, ‘no. ‘Di ba kapag nagkakasakit ang tao, tayo ay nakikisimpatya. Siguro sa sobrang dami ng kaniyang trabaho, nanghina ang kaniyang system. Kaya kailangan niyang magpahinga at magpaospital,” saad ni Cristy.

“Pero alam mo kung ano ang ipinapalabas ng maraming bashers? Nagdadalang-tao. Alam n’yo po, gasgas na pong linya ‘yan,” dugtong pa niya.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Sey tuloy ng co-host niyang si Romel Chika: “Nakakaloka. Sana iniisip naman nila: ‘Kawawa, o.’ Kasi dagsa ang kaniyang proyekto at ginagawa. Halos ‘di nga natutulog, matapos lang ang proyekto niya.”

Matatandaang ibinahagi ni Julia ang tungkol sa pagkaospital niya sa pamamagitan ng isang social media post kamakailan.

MAKI-BALITA: ‘What happened?’ Kalusugan ni Julia Barretto, pinangambahan!