May 21, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Govt. please act on this!' Janine Gutierrez, inapela waste management sa Pilipinas

'Govt. please act on this!' Janine Gutierrez, inapela waste management sa Pilipinas
Photo courtesy: Janine Gutierrez (IG)/MB File Photo

Naglabas ng panawagan ang Kapamilya actress na si Janine Gutierrez hinggil sa agarang pangangailangang mapabuti ang waste management sa bansa, kasunod ng pagbabahagi niya ng isang ulat tungkol sa landfill sa Cebu.

Sa Instagram story niya, ibinahagi ni Gutierrez ang isang video report na tumatalakay sa desisyon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na partially i-lift ang halt order sa isang landfill sa Cebu.

Kalakip ng naturang post, iginiit ng aktres ang mga panganib na dulot ng hindi maayos na pamamahala ng basura sa bansa.

“Something has to be done about waste management in the Philippines. Our landfills are a huge health risk—burning and landslides. Not to mention how we’re one of the top plastic polluters in the world,” aniya.

Binanggit din niyang maraming bansa ang maaaring gawing modelo ng Pilipinas pagdating sa epektibong waste management system, kabilang ang Singapore, Switzerland, at South Korea, lalo na sa larangan ng recycling at waste-to-energy technologies.

Tsika at Intriga

Radio program host, binatikos dahil sa r*pe joke; nag-sorry sa publiko!

Kaya naman panawagan ni Janine sa pamahalaan, "There are so many examples we can look into… Govt, please act on this."

Photo courtesy: Screenshot from Janine Gutierrez (IG)

Sa kasalukuyan, nananatiling hamon sa bansa ang solid waste management, lalo na sa gitna ng lumalaking populasyon at patuloy na pagdami ng plastic waste.