Isiniwalat ng aktres na si Shaira Diaz ang dahilan kung bakit hindi pa raw niya isinusuko ang bataan kay EA Guzman kahit engaged na siya rito.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes, Mayo 17, sinabi ni Shaira na bukod sa ino-honor niya ang mga salitang binitawan niya sa kaniyang magulang, hindi rin naman daw kasi ipinag-uutos ng Bibliya ang tungkol sa pakikipagtalik bago ikasal ang dalawang mag-partner.

“Ako gusto ko talaga, dahil naniniwala ako, ino-honor ko talaga po ‘yong mga binigay kong salita sa magulang ko. ‘Yong mga binigay nila sa aking advice,” pahayag ng aktres.

“And syempre, sa Bible din po. Parang ‘yon po, ‘di ba. ‘Yon naman talaga na dapat walang gan’to [sex] before marriage,” dugtong pa niya.

Teleserye

Janine Gutierrez, kinaiinisan pero pinupuri ang pag-arte

Matatandaang sa naunang panayam nina Shaira at EA sa “Fast Talk” inamin na huli na dumating daw sa punto na tila nahirapan siyang tiisin na walang nangyayari sa kanila dalawa.

Gayunpaman, napagtagumpayan pa rin naman ni EA na tiisin ang nararamdamang bugso ng damdamin dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya “nagagalaw” si Shaira.

MAKI-BALITA: Kahit hirap na ang jowa: Shaira Diaz, ‘di pa rin isinusuko ang ‘bataan’

MAKI-BALITA: EA Guzman, isang taon nang hindi nagbabate