Tila hindi raw masaya ang social media personality na si Toni Fowler sa ikalawang pagkakataon ng pagbubuntis niya.

Sa ulat ng ABS-CBN News nitong Biyernes, Mayo 17, sinabi ni Toni na naninibago raw siya sa kondisyon niya ngayon dahil 12 taon daw ang pagitan simula noong unang beses siyang magbuntis.

“Ngayon talaga, wala akong happy pregnancy. Stressed talaga ako. Tulad kanina, paggising ko, nagsisisi ako kung bakit ako nagpabuntis,” lahad ni Toni.

“Tapos after no’n, ‘pag nakalma niya ako, ngayon parang happy ulit ako sa pagbubuntis ko," wika niya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Dagdag pa niya: "Nahihirapan ako maging happy kasi ang taba ko agad, ang dami kong pimples. Nai-insecure ako. Pakiramdam ko hindi nila iniintindi ‘yong dapat na kainin ko."

Matatandaang kamakailan lang ay tila nagulantang ang buong social media platform matapos ibahagi ni Toni ang isang cryptic post na tila pahiwatig na hiwalay na sila ng partner niyang si Vince Flores.

MAKI-BALITA: Back to single mom: Toni Fowler at Vince Flores, hiwalay na?

Pero nang sumunod na raw ay nag-post din naman si Vince para linawing nagkaayos na sila ni Toni na tinopak lang daw dahil sa pagbubuntis nito.

MAKI-BALITA: Vince Flores, pinatawad na ni Toni Fowler

MAKI-BALITA: Mood swings ni buntis? Toni Fowler, tinopak lang