May 21, 2026

Home BALITA Politics

'Matapang lang sa salita!' Rep. Abante may banat kay VP Sara

'Matapang lang sa salita!' Rep. Abante may banat kay VP Sara
Photo courtesy: via MB

Nagpahayag ng pagkadismaya si Manila 6th district Rep. Benny Abante sa muling pagliban ni Vice President Sara Duterte sa pagdinig ng House Committee on Justice kaugnay ng mga reklamong impeachment laban sa kaniya nitong Miyerkules, Abril 22, 2026.

Ayon kay Abante, bagama’t dismayado siya sa hindi pagsipot ng Bise Presidente, iginiit naman niyang hindi na raw niya ito ikinagulat.

“I am disappointed na wala ang ating vice president, but I’m not surprised... The vice president has shown a pattern, matapang sa salita pero umiiwas sa tanong. She’s tough when speaking to media, when issuing statements, pero kapag haharap sa proseso, biglang nawawala,” ani Abante.

Idiniin din ng mambabatas ang pagkakaiba umano sa pagtrato sa mga ordinaryong mamamayan at sa mga opisyal na nahaharap sa seryosong alegasyon.

“Ang hirap sa atin, kapag ordinaryong tao ang may kaso, arrested agad. Pero kapag bilyon na ang pinag-uusapan, biglang confidential o kaya ay busy sa trabaho. Naniniwala po ako na when serious allegations are raised, Congress has only one responsibility: to act, to examine, to let the process move forward,” dagdag niya.

Politics

Sen. Loren, niligwak na rin ng Kislap Diwa na pinangangasiwaan niya!

Giit pa ni Abante, ang patuloy na pagliban ng bise presidente ay hindi lamang usapin ng attendance kundi indikasyon din umano ng uri ng pamumuno.

Sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang pagdinig ng komite upang suriin ang mga reklamong inihain laban kay Duterte, habang inaasahan ang kanyang magiging tugon sa mga alegasyon.

Kaugnay pa rin ng pagliban ni VP Sara sa pagdinig ng impeachment laban sa kaniya, pinatutsasahan din ni House Justice Committee chairperson at Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro ang kaniyang pagliban.

Saad pa niya, tila raw “na-gaslight” pa sila ni VP Sara sa inilabas nito noong pahayag tungkol sa kaniyang grado sa law school. 

“Na-ghost na nga tayo, tila gina-gaslight pa tayo,” pagsisimula niya. 

Diin ni Luistro, mas mahalaga raw itanong kung nasaan na ang pera na ginamit ni VP Sara sa kaniyang confidential funds noon at hindi para isagot sa kanilang ang naging grado niya sa kolehiyo noon. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Na-ghost na nga, ginaslight pa!' Luistro, binanatan si VP Sara