Nagbigay ng pananaw ang “Fuchsia Libre” star na si Paolo Contis tungkol sa mga kapuwa niya lalaki sa isang episode ng Fast Talk with Boy Abunda noong Miyerkules, Mayo 15.

Sa isang bahagi kasi ng panayam ay sumegway si Boy ng tanong kay Paolo sa isang bagay na tungkol sa kalalakihan na dapat umano niyang malaman.

“Tito Boy, mahirap mahalin ang lalaki. I have to be honest. Nakakainggit ‘yong iba mga tao that they’re very open about their feelings,” pahayag ni Paolo.

Dagdag pa niya: “Maraming tagong angst, pain ang lalaki. Because we always have to act strong. And sometimes, you’re not that strong and you cannot show it to the people.”

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Samantala, para naman sa aktres na si Analyn Barro, kung may isang bagay man na tungkol sa mga babae na dapat malaman ni Boy ay ang pagiging matapang daw nila.

“Women are brave. Matatapang sila. Actually, kaya naman naming mga babaeng maging independent. Ako ha, speaking for myself, kaya ko naman yatang mabuhay nang walang lalaki,” saad ni Analyn.

Bukod dito, ibinahagi rin ni Paolo sa isang bahagi ng panayam ang pananaw niya tungkol sa LGBTQIA+ community. 

MAKI-BALITA: Paolo Contis, ‘di bet ang salitang bakla: ‘We’re all human beings’