May 20, 2026

Home SHOWBIZ

Jodi Sta. Maria, pinatatahimik sa politika!

Jodi Sta. Maria, pinatatahimik sa politika!
Photo Courtesy: Jodi Sta. Maria (IG)

Pinulis ng isang netizen si Silent Superstar Jodi Sta. Maria sa pagboses nito sa mga pampolitikang isyu ng Pilipinas.

Sa  Instagram post ni Jodi kamakailan kung saan pino-promote niya ang kaniyang bagong pelikulang “Midnight Girls”, isang netizen ang nangahas magkomento rito.

“Girl Idol kita, but refrain from politics, please,” anang netizen.

Ngunit hindi pinalampas ni Jodi ang nasabing komento. Pinangatwiranan niyang mamamayan muna siya bago artista.

Aniya, “Thank you artists are citizens first. We all have a responsibility to stay informed and care about the issues that affect people’s lives ”

Tsika at Intriga

Sam Verzosa, Faith da Silva iniintriga dahil sa concert ni Jessica Sanchez

Matatandaang kamakailan lang ay nagpaalala si Jodi tungkol sa matalinong pagpili.

“You become the person you worship. Whatever or whoever you devote yourself to eventually shapes your character, values, and identity,” saad ng aktres.

Ito ay matapos ang nangyaring kaguluhan sa Senado noong Mayo 13 kung kailan lumitaw si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na kalahating taong nagtago dahil sa arrest warrant na naghihintay sa kaniya mula sa International Criminal Court.

Maki-Balita: 'Choose wisely:' Jodi Sta. Maria, pinaalalahan publikong maging matalino!