May 22, 2026

Home SHOWBIZ

'Choose wisely:' Jodi Sta. Maria, pinaalalahan publikong maging matalino!

'Choose wisely:' Jodi Sta. Maria, pinaalalahan publikong maging matalino!
Photo courtesy: Jodi Sta. Maria (IG)

Nagpaalala ang aktres na si Jodi Sta. Maria sa publiko na maging matalino sa sinasamba ng mga itong sinomang mga personalidad. 

Ayon sa naging pahayag ni Jodi sa kaniyang post sa “X” noong Huwebes, Mayo 14, 2026, sinabi niyang nagiging kahalintulad ng isang indibidwal ang personalidad na kanilang sinasamba.

“You become the person you worship,” pagsisimula niya. 

Screenshot mula sa post ni Jodi.

Ani Jodi, nahuhubog daw ang pagkatao, paniniwala, at identidad ng isang indibidwal depende sa mga personalidad na susundan nila kaya raw kinakailangang maging matalino ang mga ito. 

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

“Whatever or whoever you devote yourself to eventually shapes your character, values, and identity,” aniya. 

“Choose wisely,” pagtatapos pa niya. 

Hindi tuloy napigilang magbahagi ng netizens nang mabasa nila ang naturang post ng aktres. 

Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao sa naging post ni Jodi:

“Do not worship people. Only God is worthy of our worship.” 

“Vote wisely and always pray for peace. In every decision we make, especially during elections or important choices, let us be guided by honesty, wisdom, and love for others. Choose leaders and actions that promote unity, progress, and respect for everyone.” 

“Sadly but obviously, Wala yan effect sa dds. They now have KULTO brains who cant grasp and accept anything except whatever the dutertes dictates and does.” 

“totoo yan boss mam nakakahiya yang si mr. tabayoyong parang gago” 

“Mga salot na mga dds. Sila ang dahilan kaya nag kanda leche leche ang pinas. Paulit ulit nilang binoboto ang mga kurap.” 

Pagkatapos ito ng mga naging kaguluhan sa gobyerno, partikular sa loob ng Senado nang maganap ang putukan noong gabi ng Miyerkules, Mayo 13, 2026. 

Matatandaang pormal na inanunsyo ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro na nagmula ang putukan ng mga baril sa mga opisyal ng Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) at National Bureau of Investigation (NBI). 

Matapos nito, matagumpay namang nakaalis ng Senado si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa kabila ng pagtugis sa kaniya ng mga awtoridad dahil sa inisyung arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) laban sa kaniya. 

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Bato, sinamantala gulo sa Senado para tumakas—Misis