Pormal nang ipinakilala ang unang tatlong "Win Girls" na magiging co-hosts ni Willie Revillame sa kaniyang pagbabalik-telebisyon sa TV5.

Ito ay ang Batangueña TikTok influencer na si Queenay Mercado, dating beauty queen-social media personality na si Inday Fatima Kate Bisan, at ang singer-TV host na si Ana Ramsey na nagmula sa online version ng "It's Showtime."

Sa isang press conference na ginanap nitong MIyerkules, Mayo 15, kinumpirma ng tatlo na may dalawa pang madaragdag sa kanilang line-up, subalit hindi sila nagbigay ng clue o hint kung sino-sino pa sila.

Ngunit ang sabi, "pasabog" daw ito dahil walang mag-iisip na papasukin nila ang showbiz.

Relasyon at Hiwalayan

'Kapal ng pagmumukha!' Appreciation post ni Aljur kay AJ, pinutakti ng netizens

Agad namang nag-Instagram post si Queenay tungkol dito.

Maging si Inday ay nagbahagi na rin ng kaniyang appreciation post sa Instagram.

Samantala, marami ang nagulat sa pagpayag ni Ana Ramsey na mapabilang sa magiging show ni Willie, dahil nga sa kaniyang programa sa Showtime Online U.

Habang marami ang nagpapaabot ng good luck sa kaniya, marami rin ang nagsasabing sana raw ay hindi niya pagsisihan ang paglayas sa It's Showtime at paglipat sa TV5. Nagtataka rin ang mga netizen kung bakit pinakawalan ang isang Ana Ramsey na may malaking potensyal daw sa larangan ng hosting.

Hindi pa depinido kung kailan mapapanood ang bagong show ni Willie kaya abangan na lamang ito. Tiyak na magkakaroon ng grand media conference para dito kapag kompleto na sila.