Bukod sa social media personality na si Zeinab Harake, kumasa na rin sa nauusong "Marimar makeup transformation challenge" si Sachzna Laparan.

Si Sachzna ay social media personality at pinasok na rin ang pag-arte, na kabilang ngayon sa "What's Wrong With Secretary Kim" na napapanood sa VIU. Pinagbibidahan ito nina Kim Chiu at Paulo Avelino, na kinakikiligan sa tambalang "KimPau."

Going back sa kaniyang Marimar challenge, sinabi ni Sachzna na gusto lang niyang maranasang maging Marimar na unang pinasikat ng Mexican superstar na si Thalia.

"Pa experience lang po maging marimar!" aniya sa caption sa kaniyang FB post.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Agad naman itong pinusuan ng mga netizen at followers at hindi naiwasang maikumpara ito sa entry ni Zeinab Harake.

"Bagay maging next Marimar!"

"Ito ang mas bagay na maging susunod na Marimar!"

"ayyyy mas bet to"

"Mas bet ko toh kesa kay zeinab.."

"Sachzna Laparan yown! Nabigyan ng hustisya!☺️ The best Marimar trend 'to lalo na kung may pa-GCash sa buntis.πŸ˜πŸ˜†πŸ₯³πŸ€—πŸ˜› Ganda at sexy!!!!☺️πŸ”₯πŸ”₯πŸ”₯"

"Bat parang mas bagay sayo"

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag sina Zeinab o maging si Marian tungkol dito.

MAKI-BALITA: https://balita.net.ph/2024/05/14/zeinab-nag-ala-marimar-aprub-ba-kay-marian/