How true ang lumulutang na kuwento na muli raw nagkita ang ex-celebrity couple na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati?

Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Miyerkules, Mayo 15, inihayag ni showbiz columnist Cristy Fermin kung gaano siya kaligaya para sa anak ng dating mag-asawa.

“Ako’y maligayang-maligaya para sa mga anak nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati. Kasi ‘yong kanilang si bunso, si Kai, ay nag-moving up, e. Syempre dapat nando’n ‘yong mga magulang para ipakita sa kanilang mga anak na proud sila,” saad ni Cristy.

Sey tuloy ng co-host niyang si Romel Chika: “‘Yan ang nakakatuwa, Nay. Hindi sila bumibitiw sa kanilang mga anak sa kabila ng hindi pagiging buo ng kanilang pamilya. Co-parenting sila.”

Relasyon at Hiwalayan

Melai Cantiveros, itinangging niloko siya ni Jason Francisco

“Totoo ‘yan. Totoong-totoo ‘yan. At nakakatuwa po, si Richard Gutierrez ay talagang napakaresponsableng ama. Manang-mana sa kaniyang tatay, si Tito Eddie Gutierrez,” segunda naman ng showbiz columnist.

Kaya naman para kay Cristy, hindi raw naman talaga nakakaawa ang mga anak na nakaranas ng broken family kung nagkaroon naman umano ng maayos na pag-uusap ang mga magulang nito.

Matatandaang noong Marso ay tuluyan nang tinuldukan ni Sarah ang umuugong na balitang hiwalay na umano sila ni Richard.

MAKI-BALITA: Sarah Lahbati, kinumpirmang hiwalay na sila ni Richard Gutierrez

Nagsimula ang alingasngas na hiwalay na sila nang mapansin ng mga netizen na hindi sila magkasama sa mga ibinahagi nilang larawan sa kani-kanilang Instagram account noong Nobyembre 4.

MAKI-BALITA: Richard at Sarah ayaw tantanan ng mga marites sa isyung hiwalay na