Tila hindi nakapagtimpi ang showbiz insider na si Ogie Diaz sa mga basher na pumuputakti sa kaniyang pagkatao at mga ginagawa sa buhay.

Sa latest Facebook post ni Ogie noong Lunes, Mayo 13, makikita roon kung paano niya pinalagan ang mga nagrereklamo sa ginagawa niyang contents.

“‘Yong mga bashers ko, bakit daw ‘di ko talakayin ‘yong gusto nilang isyu.  Day, kayo nakaisip, kayo ang gumawa! ‘Yong trabaho n'yong mam-bash ang asikasuhin n'yo.  ‘Wag kayong kakawala sa core n'yo,” saad ni Ogie.

“At karamihan sa inyo, mga sariwa.  Hindi 'yong itsura ha?  'Yong account, halatang kagagawa lang para mam-bash,” aniya. 

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

  Dagdag pa niya: “Mga atih, araw-araw na akong kumakain ng mga panlalait ninyo, kayo rin ang pumanday sa akin, kaya baka mas ma-shock pa ako kung pupurihin n'yo ako. Hahahaha!”

Hindi rin siyempre pinalampas ng showbiz insider ang mga basher niyang kinukwestiyon kung ano raw ang ambag niya sa lipunan.

Ayon kay Ogie: “At wag n'yong itanong kung ano'ng ambag ko sa lipunan.  Marami ako niyan.  May LV ako, Coach, Gucci at pati maletang Rimowa, meron ako.  Kaya 'wag kayong ano diyan.”

“Itanong n'yo sa Kasuso Foundation at sa Dugong Alay Dugtong Buhay at Childhaus Foundation kung ano ang ambag ko,” dugtong pa niya.

Matatandaang kamakailan lang ay sinampahan ng kasong cyber libel ni Kapuso star Bea Alonzo

si Ogie kasama ang mga co-host niya sa kaniyang showbiz-oriented vlog na “Showbiz Updates.”

MAKI-BALITA: Bea Alonzo, naghain ng cyber libel cases laban kina Cristy Fermin, Ogie Diaz