Patuloy na umaasa ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards para sa sequel ng “Hello, Love, Goodbye” na naging box-office hit.

Sa ulat ng ABS-CBN News nitong Lunes, Mayo 13, nagbigay siya ng pahayag tungkol sa naturang pelikula nila ni Outstanding Asian Star Kathryn Bernrdo.

"We are hoping for the best," saad ni Alden.

Matatandaang kamakailan lang ay tila naaamoy na raw ng mga netizen na sinisimulan na itong “lutuin” dahil sa Instagram post ni Direk Cathy Garcia-Sampana. 

Otlum, emosyunal nang makita ang dalawang anak

Matutunghayan kasi roon ang kaniyang kuhang video sa Hong Kong International Airport kasama si Star Cinema's Creative Head Carmi Raymundo.

“Nostalgic… hihi,” saad niya sa caption.

MAKI-BALITA: Netizens, ‘naaamoy’ na ang part 2 ng ‘Hello, Love, Goodbye’

Samantala, sa isang online program naman ng showbiz columnist na si Cristy Fermin ay iniulat nito na walang pag-aalinlangan daw na tatanggapin ni Alden ang alok na gawan ng sequel ang “Hello, Love, Goodbye.”

MAKI-BALITA: Alden game na game sa sequel ng ‘Hello, Love, Goodbye’

Matagal na kasi talagang hinihirit ng fans ang sundan na ang nasabing pelikula at ngayong single na si Kathryn ay lalong lumalakas ang panawagang ituloy ito. 

MAKI-BALITA: Fans ng ‘Hello, Love, Goodbye’ nina Kathryn Bernardo, Alden Richards, hirit na ang sequel