Lumutang umano ang kuwento tungkol sa pagpaabot ni Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo ng pagbati sa ina ng ex-jowa niyang si Daniel Padilla na si Karla Estrada noong mother’s day.

Pero ayon sa showbiz columnist na si Cristy Fermin nitong Lunes, Mayo 13, fake news daw ang naturang pagbati ni Kathryn kay Karla.

“Si Kathryn Bernardo po—ay, naku!—naging biktima na naman ng fake news dahil mayro’n daw siyang sinabi na: sige, ‘unahan ko na nga ang pagbati sa mga tita [ko].’ At ang sabi: ‘niloko po kasi ako ng anak n’yo, e. Hehehe.’ Romel, sasabihin ba naman ni Kathryn ‘yon?” saad ni Cristy.

“Wala sa personalidad niya ‘yong gano’ng dialogue,” sagot ng co-host niyang si Rommel Chika. 

Tsika at Intriga

Jessy niresbakan bashers ng pagsabak ni Luis sa politika

Kaya ang payo ng showbiz columnist: “Mag-ingat po tayo sa mga pamimili ng mga account na ating susubaybayan at tatanggapin sa ating kalooban.”

Marami raw kasi talagang kumakalat na pekeng social media account na nagpapalaganap ng mga maling balita. In fact, maging si Cristy raw ay biktima nito gayong maski isa raw ay wala naman siyang social media account.

Matatandaang kinumpirma nina Daniel at Kathryn ang kanilang hiwalayan noong Nobyembre 2023 sa pamamagitan ng post sa kani-kanilang Instagram account. 

MAKI-BALITA: Kathryn, Daniel, hiwalay na

MAKI-BALITA: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn