Humanga si showbiz insider Aster Amoyo sa mga kakayahan ng child star na si Xia Vigor na natutuhan umano nito noong pandemya.

Sa latest episode ng online show ni Aster kamakailan, ibinahagi ni Xia kung paano siya natutong mag-araro at magtanim ng palay.

“Tinuruan po ako. Tapos sobrang interesado rin po akong to try new things. So excited din akong na-try ko ‘yon,” kuwento ni Xia.

“Although mabigat po nga po siya pero it was something new for me and I glad I tried it. Tapos na-try ko rin pong magtanim doon ng mga palay, ng mga sibuyas,” wika niya.

Relasyon at Hiwalayan

EJ Obiena, handa nang lumagay sa tahimik?

Dagdag pa niya: “Magandang experience po siya sa akin dahil nalaman ko kung gaano ka-hard working ‘yong mga farmer sa Philippines. Tapos lalo nating maba-value din ‘yong mga kinakain natin at lalong iisipin nating ‘wag tayong magwe-waste ng food.”

Kaya naman, hindi talaga naiwasang bumilib ni Aster kay Xia. Tila matured na raw kasi ang child star dahil sa ibinahagi nitong pananaw.

“Nag-mature ka na talaga. But you still the pretty, beautiful, witty, smart, ‘di ba. Andyan pa rin,” saad niya.

Ipinahinga umano pansamantala ni Xia ang sarili sa showbiz noong panahon ng pandemya para lumipat sa Mindoro at ituon ang buong panahon sa pag-aaral.