Tila ang pagbuo ng pamilya ang isa sa pinakamalaking turning point sa buhay ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.

Sa isang episode kasi ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Huwebes, Mayo 9, naitanong kay Dingdong kung paano siya binago ng asawang si Marian Rivera at ng mga anak nila.

“360. Dati kasi kung gumagawa ako ng mga desisyon na para sa akin lang, halimbawa, kung gagawa ako ng proyekto sa GMA man o kung saan man; personal man o para sa career, syempre iniisip ko para sa personal growth,” pahayag ni Dingdong.

“Pero ngayon, kasama ko na sila, e. Bitbit ko na sila sa bawat desisyong gawin ko sa buhay. Gusto ko pagdating ng panahon, sa bawat gawin ko, sa telebisyon man ‘yan o pelikula, e maging proud din sila sa trabaho ng kanilang ama,” dugtong pa niya.

Netizens nanggigil sa bortang katawan ni Sam Concepcion; tinawag na ‘daddy’

Samantala, sa isang bahagi ng panayam ay ibinahagi naman ni Dingdong kung paano nila napapanatili ni Marian ang pagiging interesado nila sa isa’t isa lalo na ngayong 9 na taon na silang kasal.

“Sa aming dalawa, siya ‘yong mas busy. So, ako ‘yong nagsasabi ‘pag okay na ‘yan let’s make time together. Kasi kapag nakakapag-usap kami, kahit sabihing simpleng drive lang na magkasama kami ang dami naming napag-uusapang mga bagay na ang sarap pag-usapan,” aniya.

“We cherish those precious moments kasi ‘yon lang ‘yong time namin talaga together. And what more kung pwede pa kaming lumabas, mag-date, o pumunta kung saan-saan,” saad pa ng aktor.

Matatandaang binasag na rin ni Dingdong ang katahimikan niya kaugnay sa lumulutang na isyung may anak umano siya sa aktres na si Lindsay De Vera.

MAKI-BALITA: Dingdong Dantes, itinangging may anak kay Lindsay De Vera