Umani raw ng mga negatibong reaksiyon ang kabubukas pa lang na negosyong theme park ni Kapamilya star Daniel Padilla.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Miyerkules, Mayo 8, iniulat ni showbiz insider Ogie Diaz ang mga himutok umano ng mga netizen na nakapunta na sa naturang theme park.

“May mga nagsasabing maganda raw. Mayroon namang nagsasabi hindi raw worth na ₱1,500 bilang entrance. Nababasa ko ‘yan, e. Kasi gustong makalikha ng grupo ni Daniel ng isang parang Disneyland siguro,” pahayag ni Ogie.

“Hindi naman niya maa-achieve ‘yong Disneyland na ang daming rides. Ito kasi mga illusion, mga magagandang ilaw. Hindi pa naman nakakapunta. Nakikita lang natin sa mga ka-picture-an,” aniya.

Tsika at Intriga

Heart 'naiyak' dahil sa bagong glam team, anyare?

Dagdag pa ng showbiz insider: “Alam mo naman ‘pag theme park, akala nila lagi may rides. Pero siguro eventually, utay-utay lang naman. Unti-unti. Malay mo naman manganak nang manganak ang mga rides doon. And we cannot please everybody.”

Matatandaang dinaluhan ng mga taga-media ang soft opening ng naturang theme park ni Daniel noong Mayo 1. Sa mismong araw ding ‘yon ay hiningan ang aktor ng pahayag kaugnay sa kumalat niyang video na kinakanta ang “Hinahanap-hanap Kita."

MAKI-BALITA: Daniel Padilla sa viral video niya habang kumakanta: ‘Masyadong OA ang mga tao!’