How true ang kumakalat na kuwentong mahirap daw katrabaho ang Kapuso actor na si Xian Lim?

Usap-usapan kasi ngayon ang komento ni TV writer Brylle Tabora sa Facebook post ng isang lifestyle magazine kung saan tampok si Xian.

Sey ni Brylle: “What a friggin joke, and he's also super difficult to work with!! Made our lives as TV writers miserable. UGH!”

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang komentong ito ni Brylle. Narito ang ilan sa kanilang mga hanash:

Tsika at Intriga

Heart 'naiyak' dahil sa bagong glam team, anyare?

“haha...maka-KARMI din naman yan.. #NoToUserFriendly🤣🤣🤣

“Xian Lim ma attitude hahah”

“marami nagsasabi suplado yan”

“Brylle Tabora kahit sa ABSCBN staff madami horror stories about him”

Matatandaang sa feature article na ito na pinamagatang “Xian Lim is Ready to Talk: ‘When I Love, I Go All Out’” ay isiniwalat niya ang real score sa pagitan nila ng producer na si Iris Lee.

MAKI-BALITA: CONFIRMED! Xian Lim, Iris Lee masayang nagde-date!

MAKI-BALITA: ‘She doesn’t deserve all that flak!’ Xian Lim itinangging third party, ibinabahay si Iris Lee

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang anomang pahayag ang kampo ni Xian para pabulaanan o kumpirmahin ang naturang isyu.