Nagbigay ng updates ang komedyanteng si Boobay tungkol sa kaniyang kalagayan matapos ang insidente ng pagkahimatay sa entablado habang nasa isang provincial show sa Aparri, Cagayan.

Sa isang bahagi ng Facebook livestream ni Vice Mayor Rene Chan, makikita na biglang natumba si Boobay habang nagho-host sa naturang event.

Agad naman siyang tinulungan ng mga nakasaksi sa pangyayari kabilang na ang kapuwa niya komedyanteng si Pepita Curtis na kasama niyang nag-host.

Pansamantalang pinutol ang livestream at nag-commercial break. Nang muling makabalik, ipinaliwanag ni Pepita na na-out of balance lang daw si Boobay.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Pagkatapos ng event, kasabay ng pasasalamat sa mga taga-Aparri ay tiniyak din niya na okay na raw ang kaniyang co-host at nagpapahinga na.

Pero ayon sa ulat ng GMA News, natumba raw si Boobay dahil sa matinding ilaw na tumatama sa mata niya habang nasa stage batay sa paliwanag ni Sparkle president Joy Marcelo.

Nitong Miyerkules naman, Mayo 8, nagbigay ng update si Boobay sa pamamagitan ng isang video na naka-upload sa official Facebook page ng "The Boobay and Tekla Show (TBATS)."

Aniya, okay na okay naman daw siya, buhay na buhay, at handa na ulit lumaban sa buhay. Aminadong hinimatay raw siya dahil sa matinding ilaw sa entablado. Nagpasalamat siya sa lahat ng mga taong nag-alala at nagbigay ng magagandang mensahe para sa kaniya.

"Mga Kapuso! Si Boobay po ito. Gusto ko lang pong iparating sa inyong lahat na ako po ay okay na okay... don't worry dahil here I am, Boobay, buhay na buhay and ready to fight! Hayun nga po, tayo po ay hinimatay dahil lamang po sa malakas na ilaw, pero huwag kayong mag-alala after po no'n ay naituloy naman po namin at napasaya pa rin po namin ang ating mga minamahal na mga kababayan at Kapuso sa Aparri..."

MAKI-BALITA: Boobay, natumba dahil sa matinding ilaw sa stage —Sparkle

Matatandaang nagkaroon ng ideya ang publiko sa health condition ni Boobay nang mag-hang siya sa kalagitnaan ng panayam sa kaniya sa "Fast Talk with Boy Abunda" noong Abril 2023.

MAKI-BALITA: Boobay, naging unresponsive sa interview sa ‘Fast Talk’