Muling binalikan ng dating sexy actor na si Leandro Baldemor ang karanasan sa adult movie na pinagsamahan nila ng dating sexy star na si Rosanna Roces, ang "Patikim ng Pinya" ng Seiko Films noong 1996.

Sa ulat ng PEP, natanong si Leandro kung nagkaroon ba ng tsansang "nagkatikiman ng pinya" sa pagitan nila ng leading lady na si Osang.

Pag-amin ni Leandro, halos lahat naman daw noon ay baliw na baliw kay Rosanna na siyang sex symbol noong panahong iyon.

Natatawang sabi ni Leandro, tropa daw ang naging turingan nila ni Osang at hindi raw niya natikman ang pinya nito. Para nga raw nakababatang kapatid ang turing ng aktres sa kaniya noon.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

"Wala, wala. Wala, hindi ko natikman ang pinya!" natatawa raw na sagot ng aktor.

Nagsimula pala sa paggawa ng maiinit na pelikula si Leandro noong 18-anyos siya at nag-aaral sa degreeng Nursing.

Sa seryosong usapan, malaki raw ang utang na loob ni Leandro kay Osang dahil lagi siya nitong kinukonsidera noon kapag may proyekto.

Kaya naman, makikita sa bahay ni Leandro ang isang artwork na nagpapakita ng "Patikim ng Pinya" movie nila ni Osang noon bilang remembrance.