Ipinakilala na raw ni Kapuso actress ang ka-love team at ”Voltes V” co-star niyang si Miguel Tanfelix sa kaniyang amang si Lito Lapid.

Sa latest episode kasi ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Lunes, Mayo 6, inusisa ni Boy si Ysabel kung naitatanong ba ng ama niya ang mga lalaki sa buhay niya.

“Yes po. Actually po, ‘yan po sa meeting po na ‘yan naipakilala ko po si Migue sa kaniya,” kuwento ni Ysabel.

“So, anong reaksiyon ni Lito kay Miguel?” tanong pa ni Boy.

Tsika at Intriga

Raquel niyabang katotohanan; 'All By Myself' ni Charice, di pa nahihigitan

“Syempre may pangaral,” sagot ni Ysabel. “Actually, mas strikto po ‘yong nanay ko, e. So, mas sa nanay po ako kinabahan.”

Parang ang sinabi lang po ng papa ko is ‘alam ba ng nanay mo?’ Nong sinabi [ni Miguel] na ‘opo’ then naging chill na siya. Kasi alam niyang si mama ‘yong pulis sa kanilang dalawa,” dugtong pa ng aktres.

Samantala, maayos naman daw ang relasyon ni Ysabel sa ama niya. In fact, proud daw si Lito sa mga achievement niya sa showbiz man o negosyo.