Naitanong sa Kapuso actress na si Ysabel Ortega ang tungkol sa pagbibigay ng sustento sa kaniya ni Senador Lito Lapid. 

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Lunes, Mayo 6, mabilis na sinagot ni Ysabel na hindi raw kailanman nagkulang si Lito sa financial support.

“Si Papa po ang nagpaaral sa akin and very grateful ako for that,” lahad ni Ysabel.

Kaya naman, hindi nakapagtatakang maayos ang relasyon niya sa ama kahit may ibang pamilya ito. In fact, proud daw si Lito sa mga achievement niya sa showbiz man o negosyo.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

“Pinanood ko po sa kaniya lahat ng action videos ko [sa ‘Voltes V’]. Pati may isa pa po akong action video na ginagawa and ginaya ko po ‘yong mga signature moves ni Papa,” sabi ni Ysabel.

Dagdag pa ng aktres: “Sabi niya, ‘uy, sa akin ‘yan, a!’ Gumagano’n pa si Papa. So, very happy siya. Sabi niya, nasa dugo. So, ako I’m proud kasi ipinagmamalaki ko siya, e.” 

Samantala, sa isang bahagi ng panayam, ibinahagi rin ni Ysabel ang tungkol sa pagpapakilala niya sa ka-love team at ”Voltes V” co-star niyang si Miguel Tanfelix sa kaniyang ama.

MAKI-BALITA: Miguel Tanfelix, Lito Lapid nagharap dahil kay Ysabel Ortega