“MAGPAPAHULI PA BA KAYO? 🤔”

Patuloy na tumatanggap ang Cultural Center of the Philippines (CCP) ng aplikasyon para sa Virgin Labfest (VLF) 19 Writing Fellowship Program.

Sa Facebook post ng CCP Arts Education Program nitong Sabado, Mayo 4, inilatag nila ang mga kailangang ipasa ng mga interesadong aplikante.

“Detailed application requirements and the Application Form may be found through tinyurl.com/VLF19WFPFellowshipApplication,” saad nila.

Human-Interest

ALAMIN: Ang istorya sa likod ng viral FB post na 'Ang munting candy at kuwento ng tagumpay'

“Please submit all entries on or before MAY 15, 2024 via email to [email protected] with the subject: VLF19WFP Application - (Example: VLF19WFP Application - Dela Cruz),” dugtong pa nila.

Samantala, para naman sa iba pang paglilinaw at katanungan, maaaring makipag-ugnayan sa CCP Artist Training Division sa pamamagitan ng parehong email na binanggit sa itaas o ‘di kaya tumawag sa sumusunod na numero: 8832 1125 local 1605.

Ang Virgin Labfest ay isang two-week mentorship program na nakatuon sa pag-aaral at pagsasanay sa ng dramatic writing sa entablado na gaganapin mula Hunyo 18 hanggang 30.