Pormal at opisyal nang inanunsyo ng "2024 Miss Universe Philippines" na si Kapuso star Alden Richards ang isa sa mga magho-host ng prestihiyosong pageant na ito.

Makikita ang art card patungkol dito sa opisyal na Facebook page ng "Miss Universe Philippines." Hindi ito ang unang beses na magho-host ng nabanggit na pageant si Alden.

"Thank you, Universe! 💖

"ALDEN RICHARDS is back to host The Coronation of Miss Universe Philippines 2024!"

Tsika at Intriga

BINI Aiah, nagsalita na tungkol sa isyu ng personal space at privacy

"Watch the finals on May 22, 2024 at the SM MOA Arena," mababasa sa caption ng post.

Marami naman sa mga tagahanga ni Alden ang natuwa sa magandang balita.

"Wow goodluck, Alden!"

"I think he will do better this time around. Syempre pag first time mo doing something, you will sometimes falter, but given his experience before, he surely knows how to do it more effectively."

"Good luck, Alden!"

"Break a leg, Alden!"

"Magaling naman siya, siyempre first time niya noong nakaraan. You can nail it again, Alden!"

Sa kabilang banda, aliw naman ang ilang mga netizen dahil sa pagpuna nila sa poster ni Alden, na parang kapag nag-aannounce daw ng top performances sa agents at financial advisors ng mga financial at insurance plan.

Narito ang ilan sa mga hirit ng netizens:

"Congrats Top Financial Advisor!"

"Congrats UM Alden Richards!! Lahat ng sales team proud sayo!"

"Congrats sa top agent for the month of May!"

"Congrats Alden, all expense paid trip to Jerusalem with Magellan!"

"Bakit parang pang-financial advisor ang vibes hehe."

Maging sa isang social media page ay ginawan din ito ng meme.

Grabe talaga ang mga netizen, lahat na lang napapansin! Pero wala naman ding masama kung maikumpara ang poster sa posters ng top financial advisors o agents dahil marangal na trabaho ang mga ito, na nakatutulong upang magkaroon ng financial management ang mga tao.