Tila hindi nagustuhan ng aktor na si Xian Lim ang biro ng social media personality na si Senyora matapos niyang kumpirmahin ang pakikipag-date niya sa producer na si Iris Lee.

Sa Facebook kasi ni Senyora nitong Huwebes, Mayo 2, makikita ang screenshot ng ulat ng GMA News tungkol sa pagde-date nina Xian at Iris. 

Nahagip din sa naturang larawan ang komento ni Senyora sa post ng GMA News kung saan naroon ang listahan umano ng mga nagulat sa rebelasyon ng aktor ngunit wala namang mga pangalang nakasulat.

Ilang oras ang nakalipas, muling nag-post si Senyora ng screenshot at makikita roon na naka-block na siya sa X account ni Xian.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

“Parang binibiro ka lang Xian Lim e haaaays,” sey ni Senyora.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Magbiro kna sa lasing… wag lang sa bagong nagconfirm Senyora"

"doon kana sa loyal. Katulad kay summer 😂😂✌"

"Hinde mo po tanggap sissy 😂😂😂😂"

"Sobra ka din nman kasi Senyora sabi mo magpapakabait kana 🤣"

"Si Senyora lang naman nagbiro, nagtampo agad, bait bait kaya ni madam senyora.😅"

"WAHAHAHAHAHAAHHAAAA!!!!!! Tawang tawa ako 😂😂😂"

Bukod sa real-score nila ni Iris, nagsalita rin si Xian kaugnay sa mga lumulutang na isyung idinidikit sa pangalan niya.

MAKI-BALITA: ‘She doesn’t deserve all that flak!’ Xian Lim itinangging third party, ibinabahay si Iris Lee