May 21, 2026

Home BALITA Internasyonal

Mukha ni Donald Trump, ibabalandra sa bagong US passport design

Mukha ni Donald Trump, ibabalandra sa bagong US passport design
Photo courtesy: The State Department via TIME


Makikita na sa bagong disenyo ng American passports ang mukha ni United States (US) President Donald Trump.

Base sa mga ulat, ang inisyatibo sa pagbuo ng bagong disenyong ito ay nakaugat sa selebrasyon ng ika-250 anibersaryo ng pagkakatatag ng bansang Amerika.

Maliban sa mukha ni Trump, mapapansin din ang kulay gintong pirma ng pangulo sa pasaporte.

Samantala, nilinaw naman ng State Department na limitado lamang ang ilalabas nilang kopya nito.

Maaari din daw magpagawa ang mga American citizen na nais magkaroon ng naturang passport, at hindi sila sisingilin ng “extra fees” para dito.

Available lang din daw ang pasaporte sa Washington Passport Agency.

Internasyonal

WHO, nababahala sa ‘scale and speed’ ng Ebola outbreak; 134 suspected deaths naitala