Mainit na nga ang panahon, uminit pa ang ulo ng social media personality na si Wilbert Tolentino matapos niyang malaman ang kaniyang electric bill para sa buwan ng Abril.

Sa kaniyang Facebook post nitong Huwebes, Mayo 2, makikita na umabot sa ₱114,132.65 ang babayaran niya dahil sa nakonsumong kuryente.

Sey tuloy niya: “Huwag mo muna ako kausapin. Baka sayo mapunta ang init ng ulo ko. Dumating na electric bill ko!”

Umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Naks ang taray may 7/11 sa loob ng bahay 😁✌️✌️ sana owl po"

"Ganyan po talaga sir wil kapag mayaman💖"

"Grabe ...Laki nyan"

"Mapapa WOW ka talaga!! 🫣"

"Hinahampas ako ng kahirapan dahil sa bill na yan🥴🤭🤣(😁✌️✌️✌️)"

"MAY na ngayon sirWilbert😅mukang late muna' na received yang meralco bill mo ahh.. buti dka nputulan!🫣😁😁"

"Okey na yan bosss keza ma hitstroke mas mahal gastos😅😂"

"Ang dami niyo po aircon 24hrs siguro 😳"

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa mahigit 7.1k reactions at 863 shares ang naturang post ni Wilbert.