How true ang bali-balita na itinatago raw ng Kapamilya actress na si Ria Atayde ang kaniyang pagbubuntis?

Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Martes, Abril 30,  binanggit ni showbiz columnist Cristy Fermin ang tungkol umano sa mga nakasaad sa pahayagan na itinatago raw ni Ria ang kaniyang sarili sa camera nang dumalo sila ng asawa nitong si Zanjoe Marudo sa karawan ni Kapamilya star Daniel Padilla.

“Bakit kaya itinatago niya ang kaniyang tiyan kung totoo man ‘yong mga nasusulat sa mga peryodiko? Bakit kaya kailangang itago e a baby is always a blessing,” pahayag ni Cristy.

“Ewan ko lang, ha, pero ‘di ko pa kasi nakikita ‘yon e kaya ayokong magsalita. Pero dapat ipagmalaki nila, ‘di ba. Napakarami pong babae na nangangarap na magkaroon ng anak pero ‘di nabibiyayaan,” aniya.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Dagdag pa ng showbiz columnist: “Ang pagkakaroon po ng anak ay isang malaking swerte sa buhay na ito, ‘di ba. God’s gift ‘yon.”

Matatandaang nagsalita si Gela Atayde noong nakaraang buwan para pabulaanan ang umuugong na isyung buntis umano ang ate niyang si Ria.

MAKI-BALITA: Mahihirapang magkaanak? Gela Atayde, pinabulaanan pagbubuntis ng kapatid

Pero muling nabuhay ang kuwento tungkol sa pagdadalang-tao ni Ria nang makita ng mga netizen ang hitsura niya sa video na inupload ng ina niyang si Sylvia Sanchez nang sorpresahin nila kanilang padre de pamilya na si Art Atayde.

MAKI-BALITA: Hinalang buntis si Ria Atayde, muling lumutang