Nagbigay ng kontrang pahayag ang dating live-in partner ng komedyanteng si Dennis Padilla na si Linda Gorton kaugnay sa pagsusustento nito sa kanilang dalawang anak sa Australia.

Sa isang episode kasi ng “TicTalk with Aster Amoyo,” tinanong si Dennis ng showbiz insider kung kaibigan pa rin ba niya hanggang ngayon si Linda.

“Through text lang. Sa mga co-parenting na lang. So every time we text kung ano ang kailangan sa school, mga gano’n. Papadala ka na lang ng child support, mga gano’n na lang. Co-parenting na lang talaga kami,” saad ni Dennis.

Pero nilinaw ni Linda sa pamamagitan ng isang social media post na hindi raw consistent ang pagbibigay ni Dennis ng suporta sa anak nilang sina Gavin at Maddie. Kailangan pa nga raw niyang kulitin si Dennis para makapagpadala ng pera.

Tsika at Intriga

Heart 'naiyak' dahil sa bagong glam team, anyare?

“In fact, the support he gives to the children, when spent here lumiliit na kasi the actual cost of living in Australia is far more expensive compared to the Philippines,” pahayag ni Linda.

“And not to mention they go to school here for free. No tuition fees are needed because they both attend a public school. So less expense for him really,” dugtong pa niya.

Gayunpaman, inamin naman ni Linda na malaki ang naitutulong ng financial support bagama’t mahirap ang magpalaki ng tatlong anak nang mag-isa habang pinagsasabay ang pagtatrabaho.

Bukod dito, pinabulaanan din ni Linda na may co-parenting set up sila ni Dennis. Wala raw silang naging pormal na pag-uusap kung paano palalakihin ang mga bata simula noong maghiwalay silang dalawa noong Hulyo 2020.