May 22, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Matet sa mga pakialamera: 'Magsiligo kayo. Nangangasim na kayo kakachismis ninyo!'

Matet sa mga pakialamera: 'Magsiligo kayo. Nangangasim na kayo kakachismis ninyo!'
Photo courtesy: Matet (FB)

Hindi napigilang maglabas ng saloobin ng aktres na si Matet De Leon laban sa bashers at netizens na umano’y mahilig makialam sa buhay ng iba.

Sa isang matapang at diretsahang Facebook post noong Biyernes, Mayo 8, pinuna ni Matet ang mga taong mahilig magkomento at manghimasok sa personal na buhay ng ibang tao, ngunit agad namang nagagalit kapag pinatulan o sinagot.

"Manahimik kayo, tignan ninyo mananahimik din kami. Huwag kasi kayong pakialamera sa buhay ng iba. Pag sinagot kayo, galit naman kayo. Anong gusto ninyo? Magpa api kami sainyo? Aba," aniya.

Hindi rito nagtapos ang kaniyang banat dahil sinundan pa niya ito ng matinding buwelta laban sa mga tinawag niyang “tsismosa” online.

“Magsiligo kayo. Nangangasim na kayo kaka chismis ninyo. Mga amoy tuyo na at tinapa,” dagdag pa niya.

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

Photo courtesy: Screenshot from Matet (FB)

Bagama’t hindi tahasang binanggit ni Matet kung sino o ano ang pinagmulan ng kaniyang pagkadismaya, umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens ang kanyang post. May ilang sumang-ayon at nagsabing tama lamang na ipagtanggol ng mga celebrities ang kanilang sarili laban sa mapanghusgang komento online, habang may ilan ding naniniwalang bahagi na ng pagiging public figure ang makatanggap ng batikos.

Kilala si Matet sa pagiging prangka sa social media, lalo na pagdating sa mga isyung may kinalaman sa kanyang personal na buhay at pamilya.

Kamakailan lamang, naging laman ng balita si Matet dahil sa hindi pagkakaunawaan sa kapatid na si Ian De Leon, kaugnay sa naiwang mana ng kanilang pumanaw na inang si Superstar Nora Aunor.

Maki-Balita: ‘Wala kaming hinihingi!’ Matet, nagsalita na tungkol sa isyu ng mana kay Nora

Maki-Balita: Matet De Leon, ibinida ‘ngiti ng mga ampon na walang mana’