Ibinahagi ng aktres na si Matet de Leon ang larawan nilang magkakapatid na magkakasama, kalakip ang tila isang makahulugang caption.
Sa latest Facebook post ni Matet noong Martes, Abril 21,makikita sa picture na kasama ni Matet sina Kiko, Kenneth, at Lotlot na pawang mga nakangiti.
“Eto nga pala ang ngiti ng mga ampon na walang mana. Mukha ba kaming may pake? “ saad ni Matet.
Umani tuloy ang post ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"kahit naman walang mana atleast nabigyan nang magandang bukas db ...at magandang aura hehehe at nakilala sa mundo ng showbiz..."
"Ako din walang mana.. nasa mga kapatid ko.lahat.. tunay kaming mgkakapatid pero masaya din ako kahit paano para sa kanila.."
"ok lang Yan matet sagana namn kayo pagmamahal at support sa Buhay pa ang superstar"
"Ma'am Matet ganyan din ako ma'am importante napalaki tayo ng maayos at nabigyan ng magandang buhay. Proud pa nga ako"
"kame nga legitimate biological kids...wala rin mana! eh sa wla nmn talaga eh..."
"hindi kailangan ng mana basta masaya at may peace of mind lang. Ang pera pwedeng kitain. "
"What Matet wants to point out is...kahit wala man silang makukuhang mana ay masaya pa din silang inampon ni Nora dahil nananatili ang respeto at pagmamahalan sa kanila. Sapat na iyon, at naipamana ni Ate Guy ang pagmamahal na tunay na kanyang taglay. God Bless u Matet and family."
Matatandaang kinumpirma ng kapatid nilang si Ian De Leon na siya ang nangangasiwa sa Nora Aunor Enterprise at tanging legal na tagapagmana ng kanilang inang pumanaw na si Superstar Nora Aunor.