May 22, 2026

Home SHOWBIZ

‘Wala kaming hinihingi!’ Matet, nagsalita na tungkol sa isyu ng mana kay Nora

‘Wala kaming hinihingi!’ Matet, nagsalita na tungkol sa isyu ng mana kay Nora
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Network (YT), Freepik

Binasag na ng aktres na si Matet De Leon ang pananahimik kaugnay sa isyu ng mana nila sa nanay nilang si Superstar at National Artist for Film and Broadcast Arts Nora Aunor.

Sa latest episode kasi ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Huwebes, Mayo 7, nausisa kay Matet ang tungkol sa ibinahagi niyang larawan nila ng mga kapatid niyang sina Kiko, Kenneth, at Lotlot na pawang mga nakangiti kalakip ang makahulugang caption.

“Eto nga pala ang ngiti ng mga ampon na walang mana. Mukha ba kaming may pake? “ saad ni Matet.

Ito ay matapos kumpirmahin kamakailan ng kapatid nilang si Ian De Leon na siya ang nangangasiwa sa Nora Aunor Enterprise at tanging legal na tagapagmana ng kanilang inang pumanaw.

Maki-Balita: Matet De Leon, ibinida ‘ngiti ng mga ampon na walang mana’

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

Tanong tuloy ni Boy, “Anong ibig sabihin n’on?”

“E, ‘yon naman po ang sinasabi ng mga tao, e,” sagot ni Matet. “‘Na wala kayong mana; na wala kayong karapatang pamanahan. Mabuti nga inampon pa kayo, e. ‘Yong oras para kay Ian [De Leon], binigay pa sa inyo.’”

Ayon sa kaniya, ito raw ang nakapagpapakulo ng kaniyang dugo.

“Na as if we’re not thankful, we’re grateful to her. I’m here with you talking to you, Tito Boy, because of my mom. I am Matet because of my mother,” dugtong pa ng aktres.

Kaya naman umapela si Matet sa publiko na respetuhin sana sila dahil hanggang ngayon ay ginugunita pa rin nila ang alaala ng kanilang ina.

Aniya, “Hindi na nila inisip na hindi naman isang taon ang pagluluksa. Hindi po one year ‘yan. Tuloy-tuloy ‘yan. Respetuhin n’yo naman kami.”

Nilinaw din ni Matet na hindi umano nila iniisip ang mana nila kay Nora. 

“Wala kaming hinihingi,” giit ng aktres habang umiiyak.